Isinilang at lumaki sa San Jose de Buenavista, Antique si JOHN IREMIL TEODORO. Premyadong may-akda ng mga libro ng tula, sanaysay, at maikling kuwento sa Kinaray-a, Filipino, Hiligaynon, at Ingles. Tinanggap niya ang S.E.A. WRITE Award noong 2019 mula sa Kaharian ng Thailand. Full Professor siya ng malikhaing pagsulat, literatura, at pagpapahalaga sa sining sa De La Salle University-Manila kung saan siya nagtapos ng Master of Fine Arts in Creative Writing at Doctor of Philosophy in Literature. Direktor siya ng Bienvenido N. Santos Creative Writing Center. Founding direktor siya ng San Agustin Writers Workshop at kasalukuyang direktor nh IYAS National Writers Workshop. Kilala rin siya bilang kritiko ng literaturang Hiligaynon at mga akda ng kababaihan. Nagsilbi siya bilanhg Sekretaryo Heneral ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) noong 2016-2023. Noong Abril 2024 naging Visiting Scholar siya sa Mahidol University sa Thailand. Kada Miyerkoles lumalabas ang kaniyang kolum na “Panay Sirena” sa Daily Guardian ng Lungsod Iloilo.
