Mga Piling Tula sa Kinaray-a at Filipino

ANGKOR WAT

Amo dya dapat ka lapad kag ka anyag
ang mga monumento kang paghigugma.
Gëb-ën man kang init kag uran sa sëlëd
kang rakë nga dinag-on, may mabilin
nga mga bato nga hagdan kag altar.

Sa pagligad kang malawig nga tinion,
libo-libo ang mamasyar adlaw-adlaw
kag magakalisang sa angkën kadya
nga kadayawan. Rëgya ang matuod nga
dayaw sangka handurawan rën lamang.

Ang pagkapët natën sa alima
kang sara kag sara may katapusan.
Ang parangadiën kang pagpasalamat
sa Diyos nga Makaaku magalanog
sa templo kang wara’t katapusan.

Sa kada pakighilawas natën, Palangga,
kinahanglan magkiskis ang atën kalag!

ANGKOR WAT
(Sariling salin ng makata)

Ganito dapat kalawak at kaganda
ang mga monumento ng pag-ibig.
Sisirain man ng init at ulan sa loob
ng maraming siglo, may maiiwang
mga batong hagdan at altar.

Sa paglipas ng mahabang panahon
libo-libo ang papasyal araw-araw
at mamamangha sa angkin nitonf
kadakilaan. Dito ang tunay na dakila
ay isang handurawan na lamang.

Ang paghawak natin sa kamay
ng isa’t isa ay laging may katapusan.
Ang panalangin ng pasasalamat
sa Poong Maykapal ay aalingawngaw
sa templo ng walanghanggan.

Sa bawat pagtatalik natin, Palangga,
dapat magkiskisan ang ating kaluluwa!
Ang Sirena sa Angkor Wat sa Siem Reap, Cambodia (Kuha ni Yasmin Arquiza noong 5 Setyembre 2019)