May gusto daad ako baklën nga pinggan nga porselana sa mal-am nga Intsik nga nagabaligya sa binit-karsada sa Melaka.
Itëm ang pinggan kag sa itëm may nagarulutaw nga mga klabél nga pink.
Katahëm! Ugaring mapa-Kuala Lumpur pa ako kag mabalik pa sa Singapore antes mag-uli sa Manila. Basi mabëka.
Sangka tuig rën ang nagligad. Pero may mga gabii, antes ako magturog, pagpatay ko kang sulô daw may nagarulutaw nga mga pink nga klabel sa kadëlëm kang akën kuwarto.
DIANTHUS (Sariling salin ng makata)
May gusto sana akong bilhin na pinggan na porselana sa matandang Intsik na nagtitinda sa tabing-kalsada sa Melaka.
Itim ang pinggan at sa itim may lumulutang na mga klabél na pink.
Maganda! Kayâ lang magpapa-Kuala Lumpur pa ako at babalik pa sa Singapore bago umuwi sa Manila. Baka mabasag.
Isang taon na ang lumipas. Pero may mga gabi, bago ako matulog, pagpatay ko ng ilaw parang may lumulutabg na mga pink na klabel sa kadiliman ng aking kuwarto.