Ang Pagiging Manunulat sa Panahon ng COVID-19 o ang Sagot ng Sirena sa mga Tanong ng isang Inaanak

Noong nakaraang linggo pa ipinadala ng inaanak kong si Bin (Wilhelm Matthew A. Tan) at ng mga kaklase niya sa senior high school sa Ateneo de Iloilo ang mga tanong na ito. Proyekto nila sa klase sa literatura. Kailangan nilang mag-interview ng isang Palanca award-winning writer. BFF ko sa kolehiyo sa University of San Agustin sa Lungsod Iloilo ang nanay na Bin na si Ooy. Kayâ hindi ako makahindi.

Kadalasan, dedma ako sa mga interview na ganito. Wala akong time at energy. Marami ang nagpi-PM na mag-interview at hindi ko sinasagot. Kadalasan kasi naiirita ako sa mga tanong. Lalo na kung nagpapa-explain sa akin kung ano ang ibig sabihin ng isang tula ko o ng isang maikling kuwento. Malay ko ba? Sinulat ko na nga’t lahat at kailangan ko pa bang i-explain kung ano ang ibig nilang sabihin? Mahirap na nga magsulat dagdagan mo pa ang trabaho ko!

Pero naiisip ko rin kawawa naman ang mga estudyanteng ito. Kasalanan ito ng mga guro nila. Tinuturuan sila dapat kung paano magbasa ng tula o maikling kuwento. Dapat gina-guide din nila ang mga estudyante ng tamang pamamaraan ng pag-interview at tulungan ang mga ito na maghanda ng mga tanong. Nakakairita kasi ang mga tanong na: Ano na po ang mga nasulat nilang libro? Saan po kayo ipinanganak? Mga tanong na maaaring i-Google at hindi na kailangang guluhin pa ang isang manunulat. Ang gusto ko kasi, bago ako interbiyuhin, dapat nabasa muna ng mag-iinterbiyu ang mga sinulat ko. Baka kasi masasagot na ng mga sinulat ko ang mga tanong niya.

Dahil nagkaletse-letse ang buhay ng mga tao dito sa Metro Manila dahil sa lockdown, o community quarantine sa euphemism ng walang kuwentang pamahalaang Duterte, ngayon ko lang nahaharap ang mga tanong na ito. Siyempre kinulit ako ng cute kong inaanak. Isa pa, gusto ko ang mga tanong nila.

Kayâ heto sasagutin ako ang mga taong nila (kasama ni Bin sa grupo sina Ely Eugene . Baingan, Debbie Marie A. Montinola, at Daniel T. Mann) na ang konteksto ay itong Metro Manila Lockdown at National Health Emergency dahil sa pandemic na COVID-19.

Question 1: How is your life as a professional writer?

Sirena: Dahil naka-lockdown ngayon dito sa Metro Manila feel na feel ko ang pagiging full-time professional writer. Buong araw ay puwede akong magsulat. In fact, I am writing a series of essays on what is happening during the lockdown. I’m thinking of a book of essays. As of today, nakatatlo na ako. Pina-publish ko ito sa aking blog na <jieteodoro.com>. Bisitahin ninyo ito para tumaas naman ang statistics ng mga bumibisita nito. Kung tutuusin, there is no such thing as a “professional writer” in the Philippines. Kung “full-time writer” ka, malamang mamuti gid ang mata mo sa gutom. For example, since August last year, nagasulat ako sing regular column for Liwayway magazine. Dream come true ini para sa akon because when I was a young writer in Antique, my dream was to be published in Liwayway. And now, at the age of 46 (that was last year), I became a columnist for this magazine. Pero, and I am not complaining, I am just stating a fact, ang ma-afford lang nga honorarium sang Liwayway for me is PhP700 minus tax per article. Twice a month na lang subong ang Liwayway. Ti kon amo lang ini ang saligan ko, anhun ko ka gasto ang PhP1,400 minus tax a month? Tani nagniwang na ako! So what do I do for a living? I teach. In this country, kailangang magturo ng mga manunulat kung ayaw nila ng buhay na mahirap. Hindi ka rin naman yayaman as a teacher pero at least hindi ka rin mahirap. Sakto lang. Basta wala lang magkasakit sa pamilya okey ka lang. Kayâ no wonder ang halos lahat ng magagaling na manunulat ng bansa ay nagtuturo sa mga unibersidad.

Question 2: How did you feel when you won the Palanca Award?

I won my first Palanca award in 1997 when I was 24. Second prize iyon for a full-length play in Filipino. I was ecstatic of course. So far I have five Palanca awards: 2 third prizes for Hiligaynon short story, 1 third prize for short story in Filipino, 1 third prize for essay in Filipino, at yung 1 second prize nga for a full-length play in Filipino. Gusto ko siyempre madagdagan pa ang mga ito. Gusto ko ring magka-first prize o maging Palanca Hall of Famer din tulad ng mga guro kong sina Leoncio P. Deriada at Cirilo F. Bautista. So sasali pa ako. Bata pa naman ako.

Question 3: Do you think one needs a Palanca Award in order to validate the credibility of a writer?

Sabi nga nila hindi ka pa raw talagang “arrived” as writer kung wala kang Palanca. Parehong totoo at hindi. Una, totoo ito dahil oo nga naman, kapag manalo ka ng Palanca, kahiy third prize lang ‘yan, validation na iyan that indeed you can write something good, or at least something better than the other entries according to the opinion of three judges. So dapat talaga mag-celebrate ka kapag manalo ka ng Palanca. Pero huwag din kalimutan na ayon lang ito sa opinyon ng tatlong tao. Kung may ibang set ng judges, I’m sure may ibang set din ng winners. Pangalawa, hindi rin ito totoo dahil paano na lamang ang mga manunulat natin na nagsusulat in our languages na walang division sa Palanca? Sa ngayon nasa limang wika lamang ang mga akdang binibigyan ng Palanca ng parangal: Filipino, Ingles, Hiligaynon, Ilokano, at Sebwano. Paano kung nagsusulat ka sa Higaonon o Itawit? Credible naman ang Palanca bilang sukatan kung may talento ba o wala ang isang manunulat. Kung may Palanca ka, malamang magaling ka ngang magsulat. Kung wala kang Palanca, hindi ibig sabihin nito ay wala ka nang kuwentang manunulat. Hindi Palanca lang ang sukatan ng pagiging isang dakilang manunulat.

Question 4: Which is better in terms of storytelling, a book or a film?

Parehong magandang vehicle for storytelling and libro at pelikula. Magkaibang medium ito so walang comparison dapat. Iba ang vicarious experience na ibinibigay ng pagbabasa ng libro at panonood ng sine. Halimbawa, ang paborito kong mga pelikula (as in I watched them more than 200 times!) ay Little Women (yung si Wynona Ryder si Jo March) at Secret Garden. Pero paminsan-minsan binabasa ko pa rin ang mga libro nito. Katulad ngayon dahil naka-lockdown, binabasa kong muli ang Secret Garden dahil nakabili ako last week ng bagong hardbound edition nito sa Fullybooked. Ang masama lang ay kung ang assignment ninyo ay magbasa ng nobelang Pride and Prejudice pero dahil tamad kayong magbasa ay nanood lang kayo ng movie version. Hindi ninyo nagawa ang inyong assignment. Hindi ninyo binasa ang libro. Nandaya kayo.

Question 5: Do you think that books are becoming obsolete?

Sirena: Do you mean printed books? Because books—as a handy collection of writen words—will never become obsolete. Books exist in many forms, primarily of course is printed form. Pero books din ang mga nasa online formats like Internet based Wattpad, Kindle, etc. Printed or online, they are books. But if you are asking me about “printed books,” it will not become obselete. There are studies now saying that students learn better, or retain more, if they are reading printed texts than read texts on screen of a gadget. Saka iba pa rin ang feel na hawak-hawak mo ang papel at inaamoy-amoy ito. I like smelling books! Especially new books.

Question 6: Do you think that the value of creative writing is diminishing?

Sirena: The value of creative writing will never diminish because it is natural for human beings to use language. Ordinary language is tiresome so that we have invented creative way of using language. According to National Artist Cirilo F. Bautista, words are never enough that is why we write poetry. In poetry we express so many things using few words. During this time of fake news, do you think fake news is not “creative writing?” Deliberately telling a lie is using words creatively, of course in the negative sense, to fool people. Amo ina nga kinahanglan naton magsulat creatively to tell the truth, to counter the false narratives. That is why for me the greatest crime a writer is to write fake news or press releases for politicians. It is prostituting your talent. Worse than the real prostitutes. Ang mga totoong puta, katawan lang nila ang ibinebenta nila. Ang mga bayarang manunulat, kaluluwa nila ang kanilang ibinebenta. Creative writing, just like any other forms of art, will always be of value to a civilized world.

Question 7: What is your message to aspiring writers?

Read a lot, write a lot. Basaha man ang ginsulat sang iban nga writers. May mga writer nga daw ila lang sinulatan ang ginabasa nila so wala sila naga-improve. Master the language that you are going to use. Huwag maging mayabang. Maghanap ng mentor na talagang tuturuan ka at papakinggan mo. Huwag isipin na iisa lang ang paraan ng pagsulat. Sikaping maging malawak ang pang-unawa. Be sure to be always on the side of the just. Strengthen your moral compass. Never exchange your integrity for money. Huwag pairalin masyado ang iyong ego although egoistic pursuit talaga ang writing. Write only in the service of the truth. Be an honest witness of your time. Kayâ nagsusulat ako ngayon tungkol sa mga obserbasyon ko sa nangyayaring Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon. Hindi para magtrending ako o para makuyog ng mga troll. Nagsusulat ako para sa mga mambabasa sa hinaharap. Para makatulong sa pag-unawa nila kung ano talaga ang nangyari. You have to brave as a writer. Great writing comes with great responsibility. Dahil Atenista kayo, be writers for others.

 

[Marso 20, 2020 Biyernes / 12:55 nu Rosario, Pasig]

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s